Cayetano tutol sa pagbubukas ng operasyon ng POGO

0
12

Duda si House Speaker Alan Peter Cayetano na maipatutupad ng tama ang enhanced community quarantine (ECQ) guidelines sa pagbubukas ng operasyon ng POGO.

Ayon kay Cayetano, siguradong mahihirapan ang social distancing sa mga masisikip na POGO hubs.

Bahagi anya ng BPO industry ang POGO kaya’t pinayagan itong mag-operate subalit sa kondisyong susunod ito sa ECQ guidelines tulad ng social distancing.

Sinabi ni Cayetano na may ECQ o wala, isa sya sa mga hindi pumapabor sa operasyon ng POGO sa bansa. —ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)