Cayetano tiniyak na mananagot sakaling may anomalya sa P50-M stadium cauldron para sa SEA Games

0
13

Tiyak na mananagot sa batas si House Speaker Alan Peter Cayetano sakaling may anomalya sa 50 million peso stadium cauldron na gagamitin sa South East Asian Games.

Ayon ito kay Presidential Spokesman Salvador Panelo dahil si Cayetano bilang pinuno ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation Incorporated ay accountable sa lahat ng kapalpakan sa SEA Games.

Naniniwala aniya ang Palasyo na hindi gagawa si Cayetano ng mali lalo na’t pera ng bayan ang pinag uusapan dito.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na huwag munang husgahan si Cayetano at tingnan muna ang punot dulo ng nasabing kontrobersya.