Carla Abellana isinugod sa ospital

0
32

Isinugod sa ospital ang aktres na si Carla Abellana habang nagbabakasyon sa Osaka, Japan.

Sa instagram post ng aktres, makikita ang dalawang Japanese nurse na tumingin sa kanyang kondisyon.

Pinawi naman ni Carla ang takot ng mga fans matapos igiit na nasa mabuting kondisyon na siya at wala nang dapat ipag-alala.

Hindi naman ipinahayag ng aktres ang dahilan kung bakit siya na ospital.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay isinugod din si Carla sa isang ospital sa Quezon City habang nasa kalagitnaan ng shooting.