Cardinal Tagle hinikayat ang publiko makilahok sa Earth Hour 2019

0
52

Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na makilahok sa Earth Hour 2019.

Ayon sa Kardinal, isang oras na makapagpapahinga ang ating kalikasan para sa mas matagal at masaganang buhay ng bawat tao.

Samantala, hinimok naman ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto ang mga mananampalataya na isabuhay ang adbokasiya at pag-uugaling nais ituro sa mga mamamayan ng Earth Hour.

Ang programang Earth Hour ang pinakamalaking grassroot movement para sa kalikasan sa buong mundo.

Sinabi ng Obispo na sa pamamagitan ng maliliit na hakbang tulad ng hindi waldas na paggamit ng kuryente ay pwedeng mabago ang pag-uugali ng isang tao.

Ang Earth Hour sa taong ito ay magaganap sa 30 ng Marso, alas otso y medya hanggang ala nueve y medya ng gabi.