Cardema nagpaliwanag sa pag-atras ng mga nominees ng Duterte Youth Party-list

0
58

Takot sa makakaliwang mga mambabatas ang di umano’y dahilan ng pag-atras ng limang nominees ng Duterte Youth Party-list group.

Paliwanag ito ni dating National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema kung bakit niya pinalitan bilang first nominee ng Duterte Youth ang kanyang asawa matapos manalo ang kanilang party-list nuong eleksyon.

Ayon kay Cardema, mas gusto sana nyang manatili bilang chairman ng NYC subalit binabalot anya ng takot ang kanilang nominees na harapin sa Kongreso ang mga makakaliwang mambabatas.

Sinabi ni Cardema na napanuod ng kanyang mga kasamahan sa Duterte Youth ang mainit na debate nila sa telebisyon ni Bayan Muna Party-list Representative Carlos Zarate.

—–