Capiz Representative Fredenil Castro bumalik sa Lakas-CMD

0
45

Bumalik na si Capiz Representative Fredenil Castro sa dati nitong partido na Lakas–Christian Muslim Democrats (CMD) matapos ang pagbaba nito bilang presidente ng National Unity Party.

Ayon kay Castro, masaya siya sa pagbabalik sa dating partido at pakiramdam nito ay isang “homecoming” ang naganap na paglipat.

Dagdag pa aniya, hindi na siya epektibong miyembro at presidente ng NUP kaya napagpasiyahan nitong lumipat na ng partido.

Pinangunahan ni Deputy Speaker Prospero Pichay ang ginawang panunumpa ni Castro.

Sa panulat ni Gene Cruz