Campaign parade sa mga pangunahing kalsada bawal—MMDA

0
52

Ipinaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kandidato na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng parada sa mga pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila.

Ayon kay MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialago, bawal ang anumang campaign parade sa EDSA, C-5, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, Elliptical Road at sa Mabuhay Lane.

Kinakailangan naman na ipaalam sa MMDA kung tatawid sa naturang mga kalsada ang motorcade upang maasistihan pagdating sa traffic management.

—-