Calabarzon handa na para sa pederalismo

0
47

Handa na para sa pederalismo ang Region 4-A o ang rehiyon ng Calabarzon.

Ito ay ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, tumaas ng 6.7 percent ang ekonomiya ng Calabarzon noong 2017 mula sa 4.8 percent noong 2016.

Apat sa limang probinsya ng Calabarzon ang nangunguna sa competitiveness index ranking ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong taon.

Bilang isa sa pinakamalakas na rehiyon sa bansa, naniniwala ang DILG na kayang suportahan ng Calabarzon ang ibang rehiyon sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan patungo sa pederalismo.

—-