Cabinet members ni Duterte nananatiling maganda ang relasyon

0
63

Nananatili pa ring maganda ang relasyon ng bawat isa sa hanay ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang binigyang linaw ni Presidential spokesman Salvador Panelo matapos mapaulat na ang pagbibitiw ni Agriculture secretary Manny Piñol ay dahil sa hindi kuntento ang mga economic managers sa kung paano nito hinawakan ang krisis sa bigas nung nakaraang taon.

Ayon kay Panelo, may ilang mga bagay o polisiya silang hindi napagkaka-sunduan ngunit hindi ito humahantong sa personalan.

Bahagi lamang aniya ng trabaho ang minsan ay hindi pagkakaunawaan o pagkakaiba ng opinyon sa mga cabinet members ngunit nananatiling maayos ang kanilang relasyon.