Saturday, May 11, 2024

Cabinet meetings nais gawin sa labas ng Metro Manila

- Advertisement -

Balak isagawa ng Malakaniyang sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang regular na pagpupulong ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, may binuo na silang cabinet assistance system na siyang nangangasiwa sa mga pangangailangan ng isang rehiyon.

Sinabi pa ni Nograles na nai-konsulta na nila ito kay Pangulong Duterte at hindi lamang aprubado kundi sinusuportahan pa niya ang nasabing hakbang.

Nais kasi aniya ng pangulo na mag-ikot sa iba’t ibang mga lalawigan upang tingnan at alamin ang kalagayan ng mga Pilipino sa labas ng Metro Manila.

Nais din ng pangulo na maramdaman ng mga nasa kanayunan ang cabinet assistance system upang mailapit ang pamahalaan hanggang sa mga liblib na bahagi ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -