37.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Business optimism bahagyang bumaba dahil sa pagbagal ng paglago ng ekonomiya

- Advertisement -

Bahagyang bumaba ang business confidence sa ika-apat na quarter ngayong taon.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, bumaba sa 27.2 percent ang overall confidence index noong Oktubre hanggang Disyembre kumpara sa  30.1 percent noong ikatlong quarter.

Kabilang sa mga naka-apekto sa pagbaba ng business confidence ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, humihinang palitan ng piso kontra dolyar; mas mataas na interest rates; mas mababang volume ng sales at orders at kakulangan ng supply ng raw materials.

Nangangahulugan ito na bumaba ang bilang ng mga nagtitiwalang kumpanya o mga nasa business sector sa sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.

Gayunman, nilinaw ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo na ang resulta ng survey ay hindi repleksyon ng kasalukuyang development dahil ginawa ito noong Oktubre 1 hanggang Nobyembre 23.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -