28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Buong mundo labis ang dalamhati sa pagkamatay ni Kobe Bryant

- Advertisement -

Nagbigay pugay ang iba’t ibang bansa sa yumaong basketball super star na si Kobe Bryant.

Nagsama sama ang mga fans ng manlalaro sa Staples Center sa Amerika upang mag alay ng dasal para dito.

Inialay naman ng mga pinakakilalang mang aawit ang Grammy awards sa manlalaro.

Nag-dunk naman ang football player na si Davante Adams bilang pagbibigay pugay at pag alala kay Bryant.

Samantala, nagsama sama naman ang mga Pinoy Fans sa Smart Araneta Coliseum para alalahanin si Kobe, kung saan nagkulay purple ang naturang pasilidad.

Eksaktong 8:24 p.m. kagabi, Enero 27, ay sinindihan ng mga fans ang kandila na nakaporma sa numerong 8 at 24 na siyang jersey number ni Bryant.

Bilang pagpupugay ay nabalot ng ilaw na gold at purple ang ilan sa pinakamalalaking malls sa Pilipinas kasabay ang pagpapakita ng litrato nito.

Samantala, nag paabot na rin ng pakikiramay ang Palasyo ng Malacañang sa pagpanaw ng tinaguriang Black Mamba.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -