Radio Philippines Network
Headlines National News

Bulkang Taal ibinaba sa alert level 2

Ibinaba na sa alert level 2 ang estado ng Bulkang Taal.

Base ito sa inilabas na Taal Volcano Bulletin ng PHIVOLCS kung saan ang alert level 2 ay nangangahulugang decreased unrest.

Ayon sa PHIVOLCS simula noong January 26 ay nakapagtala na lamang ng mas kakaunting volcanic earthquake activity sa Taal.

Humina na rin ang naitatalang gas emissions mula sa main crater nito.

Sa ilalim ng alert level 2 sinabi ng PHIVOLCS na bagamat nabawasan ang mga aktibidad sa pag-aalburuto ng Taal hindi naman nangangahulugan na wala na ang banta nito.

Muli namang itataas sa alert level 3 ang Taal kapag nagkaroon ng indikasyon sa posibleng pagsabog nito.

Patuloy ang rekomendasyon ng PHIVOLCS na pagbabawal pa ring makapasok sa Taal Volcano Island na itinuturing na permanent danger zone.

Pinapayuhan naman ang local government units na i-assess ang sitwasyon sa mga lugar nila lalo na ang mga nasa loob ng seven kilometer radius.

Related posts

Tanggapan ng CHED nilusob ng mga militanteng estudyante

Powered by DWIZ

Bicam nakatakdang magpulong bukas para sa 2020 national budget — Ungab

Powered by DWIZ

Mainit na panahon naranasan ngayong Miyerkules

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More