Radio Philippines Network
Image default
International News National News

3 leader ng Kingdom of Jesus Christ kinasuhan sa US

Kinasuhan sa Estados Unidos ang tatlong lider ng Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Quiboloy.

Ito ay matapos na makumpiska kina Guia Cabactulan, Marisssa Duenas at Amanda Estopare ang illegal na visa at iba pang immigration documents.

Nakasaad rin sa inihaing kaso ng US Grand Jury, kinasuhan rin ang tatlo ng labor trafficking matapos na pwersahin ng mga ito ang kanilang mga miyembro na mag-solicit ng donasyon para sa bogus na charity.

Magugunitang una nang naaresto sina Cabactulan at Duenas dahil sa pagsalakay sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa California.

Sa ngayon mahaharap sa kasong labor trafficking at immigration fraud ang tatlo.

Related posts

Mga magbababoy na apektado ng ASF sa San Simon, Pampanga makakatanggap ng dagdag na financial assistance

Powered by DWIZ

Indonesia niyanig ng M-6.1 na lindol

Powered by DWIZ

Duterte sinibak na ang mga opisyal, empleyado ng BI na sangkot sa ‘pastillas scheme’ —Panelo

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More