Sunday, May 5, 2024

Bulkang Taal ibinaba na sa alert level 3

- Advertisement -

Ibinaba na ng PHIVOLCS ang alerto ng Bulkang Taal sa alert level 3.

Ito ay bunsod na rin ng bumababang aktibidad na naitatala sa Taal Volcano sa nakalipas na dalawang linggo.

Gayunman, binigyang diin ni PHIVOLCS Director Underscretary Renato Solidum na hindi pa rin ito nangangahulugang wala nang panganib para isang malakas na pagsabog.

Ayon kay Solidum, may posibilidad pa rin ng biglaang steam explosion o pagbubuga ng mainit na singaw at volcanic gas, mararanasang volcanic earthquake at paggalaw ng magama.

Inirerekomenda naman ng PHIVOLCS ang pananatiling no man’s land ng Taal Volcano island gayundin sa mga lugar na pasok 7 kilometer radius danger zone mula sa main crater ng bulkan.

Merong pagbaba sa mga binabantayan nating parametro at nangangahulugang ang posibilidad na magkaroon ng malakas at mapanganib na eruption ay bumaba pero hindi nangangahulugang tapos na ang aktibidad ng bulkan at ang panganib sa isang malakas na pagsabog ay nawala, bumaba yun. Wala na pong tao ating inirerekomenda sa volcano island at wala din sa 7 kilometer radius from the main crater at ang local government na-advise natin sa labas ng 7 km na i-assess kung anong mga areas ang pwedeng balikan at mga nasira para masiguradong maayos ang pagpunta at kung  magpapabalik sila sa mga tao sa bahay,” ani Solidum.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img