Wednesday, May 8, 2024

Budget sa mga Filipino Muslim para sa taunang Hajj Pilgrimage posibleng madagdagan na

- Advertisement -

Posibleng madagdagan na ang budget para sa mga Filipino Muslim na magtutungo sa Saudi Arabia para dumalo sa taunang Hajj Pilgrimage ng mga kapatid na Muslim sa Mecca.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang pondo para sa pilgrimage dahil nais nitong ipakita ang pantay nitong pagrespeto sa pananampalataya ng mga Kristiyano at Muslim.

Pahayag ni Andanar, pinahahalagahan ng punong ehekutibo ang sub-culture ng bawat Pilipinong Muslim kaya nito dinagdagan ang budget sa Hajj para mas marami pang kapatid na Muslim ang maipadala sa susunod na taon sa Mecca.

Una nang umapela si Pangulong Duterte sa Commission on Audit o COA na irekonsidera ang plano ng ahensya na pigilan ang paglalaan ng 5-M pisong pondo ng Bangon Marawi Task Force para sa mga bakwit ng Marawi na nagtungo sa pilgrimage noong nakalipas na taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img