Budget ng 3 ahensya ng gobyerno pinababawasan ng Senado

0
21

Pinatatapyasan ng Senado ang budget sa susunod na taon ng 3 ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson wala pang 40% ng budget ng DPWH, Department of Transportation at Department of Education kaya’t natetengga ang pondo at maraming nabibiting proyekto.

Sa DPWH sinabi ni Lacson na nasa 14 hanggang 20 billion pesos na maituturing na pork barrel ang ipatatanggap nila rito.

Manggaling ito aniya sa mga nakita niyang items sa DPWH budget na doble ang pondo tulad ng rehabilitasyon ng Kennon Road sa Benguet Province na may budget na P506M at may bukod pang P76M.

Tatapyasin din sa DPWH ang mga item na may milyun-milyon hanggang bilyong pisong budget subalit walang description kung anong proyekto ang gagawin at kung saan ito gagawin.

Samantala may tatapyasin din sa budget ng DOH tulad ng mahigit P600M na advertising budget nito na hindi umano ginagamit sa information campaign kundi sa public relations.

Ang pondong tatapyasin sa DPWH, DepEd at DOTr ay ililipat sa State Universities and Colleges at local universities and colleges para hindi na magbayad ng tuition ang mga estudyante.

May gagamitin ding pampondo sa national ID system habang ang tatapayasin sa DOH ay isalin sa Universal Health Care program.