BuCor hiniling na mapanatili ang 1,500 pulis sa Bilibid

0
28

Hiniling ng Bureau of Corrections (BuCor) sa bagong pamunuan ng National Capital Region (NCR) na mapanatili sa New Bilibid Prisons (NBP) ang 1,500 pulis na itinalaga rito.

Sinabi ni NBP Spokesman Major Albert Tapiru na napalaking tulong sa cleansing nila sa NBP ang nasabing police force na una nang itinalaga ni dating NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar.

Ayon kay Tapiru, maliban sa nasabing bilang ng mga pulis na may kasamang SWAT (special weapons and tactics)at sniper, nagpadala rin si Eleazar ng apat na Armored Personnel Carrier.

Ipinabatid ni Tapiru na nasa halos 400 jailguards ang inalis sa maximum security compound mula nang maupo si bagong BuCor Director Gerald Bantag.