Bucks wagi kontra Blazers sa iskor na 137-129

0
17

Pinangunahan ng basketball star na si Giannis Antetokounmpo ang pagkapanalo ng Milwaukee Bucks sa laban nito kontra Portland Trail Blazers sa 2019-2020 NBA season.

Nakapagtala ng score na 137 ang Bucks samantalang 129 naman ang nakuha ng Blazers.

Nakagawa si Antetokounmpo ng 24 points, 19 rebounds at ang record breaking na 15 assists.

Samantala, susunod na makakalaban ng Bucks ang Detroit Pistons sa kasalukuyang season na gaganapin sa Linggo, Nobyembre 24.