BSP ipinagmalaki ang ambag nitong P21-B sa pamahalaan

0
23

Ipinagmalaki ng pamunuan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nakapag-ambag ito ng mahigit P21-bilyon sa pamahalaan.

Ang unang remittance na P4-bilyon ay noong February 2019 at ang dagdag na P17.48-bilyon ay nai-remit kamakailan lang.

Natutuwa si BSP Governor Benjamin Diokno na nakakapagcontribute sila sa gobyerno para isulong ang pag-angat ng ekonomiya at mapaganda ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Ipinagmalaki ni Diokno na ang nasabing 2019 contribution ang pinakamalaking kontribusyon ng BSP sa gobyerno mula nang itatag ito noong 1993.

Umaabot naman sa P26.96-bilyon ang kabuuang kontribusyon ng BSP sa ilalim ng pamumuno ng Pangulong Rodrigo Duterte.