Britney Spears nagsalita na sa tunay na estado ng kaniyang kalusugan

0
48

Binasag na ng singer na si Britney Spears ang katahimikan sa isyu ng kaniyang kalusugan.

Sa gitna ito ng ispekulasyong ikinulong si Britney sa isang mental facility para sumailalim sa rehabilitasyon.

Sa video na pinost sa Instagram account nitong Miyerkules sinabi ng 37-year-old na singer na nasa mabuti siyang kalagayan at wala siyang dapat ipag alala at tiyak na magbabalik siya sa pagkanta.

Nuong isang araw ay kumalat ang balita na dinala si Britney sa isang wellness center ng labag sa kaniyang kagustuhan.

Mayruon pang mga fans si Britney na sumugod sa city hall ng West Hollywood sa California na may bitbit na placard na nananawagang palayain si Britney gamit pa ang hashtag na #FreeBritney.

—–