British PM Johnson iniutos na paluwagin ang lockdown sa gitna ng COVID-19 pandemic

0
18

Iniutos ni British Prime Minister Boris Johnson ang pagpapaluwag sa ipinatutupad nitong lockdown sa kanilang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ang inanunsyo ni Johnson, makaraang isailalim ang bansa sa mahigit anim na linggong lockdown.

Kasunod nito, maaari nang makalabas ang mga tao rito gayundin ang pagpunta sa kanilang mga nais na puntahan tulad ng mga park.

Samantala, bagamat pinaluwagan na ang ipinatupad na lockdown, iginiit ni british Prime Minister Boris Johnson na panatilihin ang mga health protocols tulad ng social distancing at ang pagsapuso ng islogan na ‘stay alert’ laban sa banta ng nakamamatay na virus.