British Boxer Amir Khan pinag-iisipan nang magretiro kung hindi makakaharap si Manny Pacquiao

0
43

Aminado ang British Boxer na si Amir Khan na pinag-iisipan niya ang magretiro sa boksing.

Ito aniya ay kung patuloy na mauudlot ang planong laban kay pambansang kamao Manny Pacquiao.

Ayon kay Khan, nasa punto na siya ng kanyang karera na nais na lamang niyang i-enjoy ang mga huling laban niya bago magretiro.

Kabilang aniya sa kanyang target na makalaban ay si Pacquiao.

Dagdag pa ni Khan, mas mahalaga pa rin sa kanya ang kanyang kalusugan at makasama ang kanyang pamilya.

Magugunitang ilang taon naging Sparring Partner ni Pacquaio si Khan bago ito umalis sa Training Camp ng Pambansang Kamao.