Wednesday, May 8, 2024

Brigada Eskwela sa Caloocan nauwi sa rambol

- Advertisement -

Nauwi sa rambol ang Brigada Eskwela sa isang public high school kung saan sugatan ang isang estudyante sa Barangay San Isidro, Caloocan City.

Ayon sa pulisya, nagtamo ng sugat sa leeg at ulo ang hindi pinangalanang estudyante dahil sa pananaksak at kasalukuyan itong nilalapatan ng lunas sa Jose Rodriguez Memorial Hospital.

Agad namang nasakote ang 16 anyos na suspek at nasa kustodiya na ito ng barangay.

Sa imbestigasyon, sumali sa Brigada Eskwela ang isang grupo ng mga kabataan sa Tala High School nang biglang dumating ang isa pang grupo.

May pinagtatalunan umano ang magkabilang panig hanggang sa humantong ito sa rambulan.

Iniimbestigahan pa rin ng Caloocan Police ang naturang insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img