Brazilian President Jair Bolsonaro muling nagpositibo sa COVID-19

0
13

Muling nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Brazilian President Jair Bolsonaro.

Ito mismo ang kinumpirma ng kampo ni pangulo.

Nauna rito, nagpositibo si Bolsonaro noong Hunyo hanggang ito nga’y gumaling na at nagbalik-trabaho.

Kasunod nito, inamin din ni Brazilian President Bolsonaro sa publiko na makailan siyang uminom ng isang gamot sa malaria na pinaniniwalaang nakatulong sa kanya na gumaling sa nakamamatay na virus.