Thursday, May 9, 2024

Bong Reviila susulitin muna ang oras kasama ang pamilya

- Advertisement -

Nais muna ni dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na sulitin ang oras na makapiling ang kanyang pamilya.

Ito ay matapos na makalaya at mapawalang sala ng Sandiganbayan sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Ayon kay Revilla, may mga natatanggap na siyang imbitasyon na maglibot sa buong bansa bago pa man ang panahon ng kampanya pero sa ngayon ay nais niya munang makasama ang kanyang pamilya.

Kasabay nito, muli namang iginiit ni Revilla na wala siyang kasalanan at hindi nasangkot sa katiwalian.

Binigyang diin ng dating senador na biktima lamang sila ni dating Senador Jinggoy Estrada ng aniya’y selective justice at pamumulitika dahil nangunguna sila noon sa mga election surveys.

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img