BOL hindi solusyon upang matuldukan ang karahasan sa Mindanao — Enrile

0
64

Binigyang diin ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi solusyon ang Bangsamoro Organic Law (BOL) upang matuldukan ang kaguluhan sa Mindanao.

Ito ang naging reaksyon ni Enrile, ilang araw matapos ang ratipikahan ng BOL.

Ayon kay Enrile, ang lumalalang problema sa Islam ay hindi lamang nangyayari sa rehiyon ng Mindanao, kundi ito ay laganap sa buong mundo.

Paliwanag pa nito, base sa naging resulta ng plebisito ng BOL, ang hindi pagpabor ng ilang lalawigan tulad ng Sulu at Isabela City sa Basilan ay patunay lamang ng hindi pagkakaisa sa lugar.

Gayunman, umaasa pa rin aniya siya na maisasakatuparan ng BOL ang layunin nito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).