33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

BOC maghihigpit sa mga pumapasok na ukay-ukay mula sa China

- Advertisement -

Maghihigpit na ang Bureau of Customs sa mga pumapasok na ukay–ukay, animal product at iba pang produkto na nagmumula sa China.

Ito ay sa gitna pa rin ng pagkalat ng novel coronavirus.

Ayon kay Customs Associate Commissioner Vincent Philip Maronilla, layon nitong masiguro na hindi makakalusot ang naturang sakit sa bansa.

Aniya, talaga namang bawal ang pagpasok ng ukay – ukay sa bansa ngunit sadyang may nakalulusot pa rin.

Nakikipag–ugnayan aniya sila sa Department of Health para matukoy ang mga critical item na maaring makapitan ng coronavirus.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -