BJMP pinabulaanan ang balitang may dalawang preso na ang positibo sa COVID-19

0
15

Itinanggi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mayroong dalawang presong nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa dorm 1 at 2 ng Quezon City Jail.

Ayon kay Chief Inspector Xavier Solda, spokesman ng BJMP, doble time ang mga piitan ngayon sa pagpapatupad ng safety measures upang matiyak na hindi mapapasok ng virus ang mga piitan.

Gayunman, hindi naman anya nila isinasantabi ang naturang ulat at handa silang magsagawa ng verification kung ano ang tunay na sitwasyon.

Sa ngayon ay mahigpit na ipinagbabawal muna ng BJMP ang dalaw sa lahat ng piitan na pinangangasiwaan ng ahensya.