Biro lang ba ang pahayag ng pangulo o hindi? Gamitin ang common sense — Panelo

0
48

“Gamitin ang common sense”.

Yan ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo noong Martes nang tanungin siya tungkol sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na minsan itong gumamit ng marijuana.

Aniya, nagbibiro lamang ang pangulo at walang basehan ang kanyang naging pahayag na gumagamit siya ng marijuana para magising.

Dagdag pa ni Panelo, para malaman kung isang biro lang o hindi ang pahayag ng pangulo, kapag ang audience ay tumawa, ito ay nagbibiro lamang at kung narinig ang salitang “offended”, ito daw ay palatandaan na seryoso ang naging pahayag nito.

Matatandaang kumambyo din si Pangulong Duterte sa isang ambush interview at nilinaw na nagbibiro lamang siya sa kanyang pahayag.