BIR ipinasara ang ilang Christmas décor stores sa Quezon City

0
48

Ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang anim (6) na tindahan ng mga pang dekorasyon ngayong kapaskuhan sa Dapitan Arcade at Suki Market sa Quezon City.

Kasunod na rin ito nang ikinasang oplan kandado ng BIR kung saan ipinasara ang tindahang pag-aari ng isang Clarice Norma Maog.

Sinabi ni Director Marina De Guzman ng BIR na hindi nag iisyu ng resibo at nagbabayad ng tamang buwis sa ahensya ang mga naturang tindahan.

Ayon kay De Guzman, matagal na nilang pinadalhan ng notice ang may ari para mabigyan ng babala subalit hindi naman ito inaksyunan.