Binawi na pisong dagdag-pasahe ibalik — ACTO

0
16

Umapela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang transport groups na ibalik na ang binawi nilang pisong dagdag sa pasahe.

Ginawa ni Efren De Luna ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) ang apela matapos ang big-time oil price hike na halos umabot sa P2.00 ang kada litro.

Ayon kay De Luna, hindi na kailangan ng panibagong public hearing kapag ginawang P10.00 ang minimum na pasahe sa jeepney dahil nadesisyunan na ito noon pa ng LTFRB bagamat agad ding binawi.

Posibleng isama na nila ang oil price hike sa mga isyung kanilang ipo-protesta sa Lunes, September 30.

Ang pambansang welga ng mga pampasaherong jeepney sa Lunes ay bilang protesta sa tuluyang pag-phase out sa mga jeepney para bigyang daan ang modernisasyon sa Hunyo ng 2020.

Nakapagbigay na tayo sa mga pasahero ng matagal na panahon, siguro naman po ay maibabalik na ‘yung pinahiram lamang namin, ‘yung po ay tinatawag na pinahiram lamang namin dahil ang pinagbatayan din po noon ay ‘yung sunod-sunod na pagbaba ng presyo ng langis kaya nagkaroon kaagad ng desisyon, kahit na po illegal ‘ynug desisyon ng LTFRB ay tinanggap po namin para ‘yun sa mga mananakay,” ani De Luna. — sa panayam ng Ratsada Balita