Binaril na segurity guard sa hostage-taking sa Greenhills maayos na ang kondisyon

0
24

Nasa maayos nang kondisyon ang admin officer-in-charge at security guard ng V-mall na binaril ng hostage taker nang pasukin nito ang isang mall sa San Juan City.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, agad namang naisugod ang biktimang si Ronald Velita sa Cardinal Santos hospital kung saan ito nilapatan ng lunas.

Samantala, ligtas at wala namang nasaktan o nasugatan sa mga empleyado ng admin building ng mall na mahigit 10 oras ding hinostage ng suspek na si Archie Paray.

Matapos ang insidente, dinala ang mga biktima sa isang kuwarto kung saan sila sumailalim sa medical checkup at debriefing saka agad ding pinalabas para makapiling ang mga naghihintay nilang mga kaanak.

Tiniyak naman ng pamunuan ng mall at ng lokal na pamahalaan ng San Juan City na patuloy ang kanilang pagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng hostage taking.