Binabantayang LPA lumabas na sa PAR

0
16

Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan ng PAGASA na Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Mindanao.

Ayon kay Ariel Rojas ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 1,070 kilometro silangan bahagi ng Eastern Visayas.

Dagdag pa ni Rojas, maaaring bumalik ang LPA o tuluyan na itong malusaw.

Samantala, patuloy namang lumalakas ang typhoon Liwayway ang Habagat kasabay ng paglabas nito sa PAR mamayang hapon.

Sa panulat ni Lyn Legarteja.