30.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Bilang nga mga Pinoy abroad na nagpositibo sa COVID-19 pumalo na sa 203 —DFA

- Advertisement -

Pumapalo na sa 203 ang bilang ng mga Pilipinong may coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nasa 26 na bansa at rehiyon.

Ang nasabing bilang, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ay hanggang ngayong Huwebes, March 26, ay nasa 93 ang nagpapagamot sa ibat-ibang ospital sa ibang bansa.

Ipinabatid pa ng DFA na 107 ang naka recover sa COVID-19 o nakalabas na ng ospital.

Tatlong Pinoy na rin ang nasawi sa ibang bansa dahil sa COVID-19.

Pinakamaraming naitalang kumpirmadong COVID-19 positive na Pinoy sa Asia Pacific region na may 115 kaso.

Ikalawa ang Europe na may 43 kaso, Middle East na may 23 at America na may 22 kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -