Bilang ng SAP beneficiaries iminungkahing dagdagan —LTG

0
37

Iminungkahi ni Sub-committee on Social Amelioration Co-Chairperson  Lucy Torres-Gomez ang pagpapalawak sa target beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP) para sa buwan ng Mayo ngayong taon.

Sa virtual hearing ng Defeat Covid-19 Committee ng Kamara, mula sa 18-M na target lamang ng SAP, umapela si Gomez na gawing 20 milyon ang mga benepisyaryo.

Ayon kay Gomez, dapat ikonsidera ang aniya’y “newly poor” na napapabilang sa 9-M low-income families at 6.4-M lower middle income families.

Aniya, ang P100-B allocation para sa buwan ng Mayo ay maaring hatiin sa 20-M beneficiaries.

Nangangahulugan lamang ito na magiging uniform na para sa lahat ng beneficiaries ang halaga na makukuha mula sa SAP kung saan magiging P5,000 na ang matatanggap ng lahat ng benepisyaryo.

Kasabay nito, inirekomenda rin ni Torres na simplehan at gawing madali ang proseso sa pagkuha ng ayuda upang mapasama ang lahat ng target beneficiaries. —Ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)