Bilang ng nasawi sa landslide sa Naga City Cebu sumampa na sa halos 60

0
43

Umakyat na sa 56 ang nasawi sa pagguho ng isang quarry site sa Naga City, Cebu makaraang mahukay ang 14 pang bangkay mula sa gumuhong lupa at bato, kahapon.

Kinilala ang ilan sa mga nasawi na sina Riz Janine, limang taong gulang mga kapatid na sina Jazmin, 10 taong gulang at Jelian Campanilla, 12 taong gulang;

Arceli at Lance Lobiano, pitong taong gulang; Krystal at Althea Siton, apat na taong gulang; Laureen Capoy, Joseph Tolentino at Romeo Jaballa.

Ayon kay Chief Insp. Roderick Gonzales, hepe ng Naga City Police, 29 pa ang pinaghahanap sa ilalim ng gumuhong lupa at bato sa Barangay Tinaan at Barangay Naalad.

Umaasa aniya sila na mayroon pang makikitang buhay mula sa naturang lugar.