29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Bilang ng nasawi sa Bagyong Usman sumampa na sa 87

- Advertisement -

Sumampa na sa 87 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng Bagyong Usman habang nasa 20 iba pa ang patuloy na pinaghahanap.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Edgar Posadas, patuloy din ang kanilang isinasagawang kumpirmasyon sa mga natatanggap na impormasyon mula sa mga Regional Office of Civil Defense.

Pinakamarami aniyang naitalang nasawi sa Bicol region na umabot na sa 70, sinundan ng Eastern Visayas na 13, Mimaropa na tatlo at isa sa Calabarzon.

Karamihan naman sa nasawi ay dahil sa pagguho ng lupa at flash floods sa gitna ng tuloy-tuloy na buhos ng malakas na ulan dala ng Bagyong Usman.

Dagdag ni Posadas, umabot naman sa mahigit 45,000 pamilya o katumbas ng mahigit isang 191,000 indibidwal ang direktang naapektuhan ng nakaraang bagyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -