Bilang ng naisagawang COVID-19 test ng DOH sa bansa pumalo na sa mahigit 15-K

Bilang ng naisagawang COVID-19 test ng DOH sa bansa pumalo na sa mahigit 15-K

by Powered by DWIZ
48 views

Inilabas ng Department of Health (DOH) ang inventory ng COVID-19 test kits.

Batay sa datos hanggang nitong nakalipas na March 30, nasa 15,337 ang kabuuang pagsusuri na naisagawa ng pitong health facility o laboratoryo.

Kasama na sa nasabing bilang, ayon sa DOH, ang retest, validation at iba pa.

Sinabi ng DOH na 14,001 ang naisagawang test sa RITM, 162 sa Baguio General Hospital and Medical Center, 65 sa San Lazaro Hospital, 387 sa Vicente Sorro Memorial Medical Center, 143 sa UP-NIH, 173 sa Western Visayas Medical Center, at 406 sa Southern Philippines Medical Center.

Samantala, ipinabatid ng DOH na nasa halos P90,000 pa ang kailangang gawing pagsusuri ng mga naturang health facility.

0 comment

Related Posts