Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa patuloy na nadaragdagan

0
19

Lumobo pa ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang kahapon Mayo 4, 262 ang panibagong nadagdag sa kumpirmadong kaso ng COVID-19 nitong nakalipas na magdamag kaya’t pumapalo na sa 9,485 ang kabuuang kaso ng nasabing virus sa Pilipinas.

Sa nasabing bilang 122 rito o 47% ay mula sa National Capital Region (NCR), 88 o 33% sa Region 7 at 52 o 20% ay mula sa iba pang lugar.

16 naman ang bilang ng mga bagong nasawi dahil sa COVID-19 kaya’t umaabot na sa 623 na ang death toll sa bansa.

101 namang mga pasyente ang gumaling kaya’t nasa 1,315 na ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.