Bilang ng mga Pinoy sa Malaysia na nagpositibo sa COVID-19 pumalo na sa 55

0
39

Umabot na sa 55 ang bilang ng mga Pilipino sa Malaysia na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Ambassador Charles Jose, 46 dito ang nananatili sa ospital samantalang 9 ang nakalabas na ng pagamutan.

Sa kasalukuyan ay isinasaayos na anya nila ang repatriation ng mga gumaling nang Pilipino.

54 sa mga Pilipinong nagpositibo ang dumalo sa religious gathering sa isang mosque sa Kuala Lumpur mula February 27 hanggang March 1.