Bilang ng mga Pinoy abroad na nagpositibo sa COVID-19 pumalo na sa 1,677

0
25

33 pang Pilipino sa ibayong dagat ang dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa DFA, hanggang kahapon, April 30, nasa 1,677 Pinoy ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,025 ang patuloy na nagpapagamot sa ibat ibang ospital at 451 ang naka recover na mula sa nakakahawang sakit.

Dalawa pa ang nadagdag sa death toll kayat nasa 201 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na nasawi dahil sa COVID-19.

Pinakamaraming naitalang confirmed COVID-19 positive na Pinoy sa bahagi ng Europe na may 483 cases; America, 471 cases; Asia Pacific Region, 367; at Middle East/Africa na may 356 cases.