Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho tumaas sa 3rd quarter — SWS

0
54

Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa third quarter ng 2018.

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Setyembre 15 hanggang 23, lumalabas na pumalo sa 22 percent ang adult joblessness o tinatayang 9.8 million ng mga adult ang walang trabaho.

Ayon sa SWS, 2.3 percent ang itinaas nito mula sa 19.7 percent na 2nd quarter survey result.

Sa 22 percent umano na mga Pilipinong walang hanapbuhay, 9.2 percent o halos 4.1 million sa mga ito ang natanggal sa trabaho, habang, 8.4 percent o kabuuang 3.7 million adults ang boluntaryong nagresign.

Samantala, 4.4 percent o halos 2 million jobless adults naman ang mga first-time job seekers at hindi pa nakakahanap ng kanilang mapapasukang kumpanya.