Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nabawasan

0
50

Nabawasan ang unemployment rate o ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho sa bansa.

Ito ay batay sa tala ng PSA o Philippine Statistics Authority para sa buwan ng Enero ng kasalukuyang taon.

Naitala ang 5.2% na unemployment rate na bahagyang mababa sa 5.3% kumpara noong nakaraang taon.

Habang naitala rin naman ang 94.8% na employment rate na bahagyang mas mataas kumpara sa 94.7% noong 2018.