Bilang ng mga Pilipinong sumasalubong sa bagong taon puno ng pag-asa — SWS

0
52

Mayorya ng mga Filipino ang positibo sa pagharap sa bagong taong 2019 batay sa Social Weather Stations (SWS) survey.

Batay sa naturang survey noong huling quarter ng taong 2018 sa 1,440 respondents, 92 percent ng mga Filipino ang sumalubong sa bagong taon na puno ng pag-asa sa halip na pangamba.

Kumpara ito sa 96 na porysentong naitala noong 2017.

Ipinaliwanag ng SWS na karaniwan nang puno ng pag-asa ang mga Pinoy tuwing magbabagong taon na nagsimula sa 87 percent nang unang mag- survey noong 2000.