35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

LGU officials na sangkot sa ‘ghost beneficiaries’ kakasuhan ng DSWD

- Advertisement -

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa napaulat na mga ‘patay’ na nakatanggap pa rin umano ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan.

Sa kabila ito ng mga report na hindi lahat ay makatatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan dahil sa kapos o kulang na pondo ng gobyerno.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, ito ay matapos na makatanggap ang DSWD ng ulat hinggil sa “ghost beneficaries” kung saan nag-a-apply o nakatanggap na ng ayuda ang ilang patay na indibidwal.

Dahil dito, ibinabala ni Bautista na mahaharap sa kasong kriminal at administratibo ang sinumang lokal na opisyal ang mapatutunayang sangkot sa nasabing anomalya.

Sa ngayon, umapela naman ang DSWD sa publiko na ipag bigay alam sa kanila ang anumang anomalya hinggi sa ayuda ng pamahalaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -