Bilang ng mga health workers na nagpostibo sa COVID-19 pumalo na sa 1,886

0
19

Nadagdagan pa ng 27 ang bilang ng healthcare workers na nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hanggang Mayo 6 ay nasa 1,886 na medical workers ang tinamaan ng nasabing virus.

Nitong mga nakalipas na araw aniya ay pababa ang mga naitatalang health workers na nagpo positibo sa COVID-19.

Sinabi ni Vergeire na nasa 403 ang health workers na naka-recover na mula sa COVID-19 at nasa 1,449 ang aktibong kaso ng nasabing sakit.

Walang bagong napaulat na nasawing health workers kayat nasa 34 ang death toll sa naturang sakit.