ABS-CBN umapela sa Korte Suprema

0
21

Naghain ng petisyon ang ABS-CBN sa Korte Suprema para ipatigil ang o mabalewala ang closure order na inisyu laban dito ng National Telecommunications Commission (NTC).

Inihain ng Kapamilya network ang petition for certiorari sa High Tribunal kasabay ang paghahain din ng media giant ng urgent motion for a special raffle para kaagad i-akyat ang kaso sa High Court.

Magugunitang kaagad nag off-air ang ABS-CBN nuong Martes ng gabi matapos mag isyu ng cease and desist order ang NTC dahil sa nagpaso na ang prangkisa ng Kapamilya network.