Pumalo na sa higit 800 ang bilang ng mga estudyante at mga guro na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa tala ng Department of Education (DepEd) , nasa kabuuang 823 na ang bilang ng mga estudyante, teaching at non-teaching personnel na nag positibo sa COVID-19.
Ayon kay Ronilda Co Direktor ng DepEd Disaster Risk Reduction Management and service na sa naturang bilang, nasa 490 na ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.
Sa bilang ng mga positibong kaso, nasa 186 ang mga non-teaching personnels, 340 ang mga guro at nasa 297 ang mga estudyante.
Sa ngayon, nilinaw naman ni Co na nasa 310 na lamang ang aktibong kaso sa mga ito.