Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa SoKor umabot na sa mahigit 3,500

0
18

Pumalo na sa mahigit 3,500 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa South Korea.

Ito ay matapos makapagtala ang Korea Centers for Disease Control and Prevention (KCDCP) ng panibagong 376 na mga kaso ng nabanggit na virus.

Ayon sa KCDCP, naitala ang 333 sa nabanggit na bilang ng mga bagong kaso sa Daegu City habang 26 sa North Gyeongsang.

Nananatili naman anila sa 17 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa kanilang bansa.